Monday, February 02, 2009

Chapter 6- The Choco-Coated Cake

Chapter 6


Cassidy: Titingnan mo na lang ba ako ng ganyan buong araw?
Harris: I’m sorry. I just don’t get it. Ikaw nga ba talaga yan, Cassie?

Cassidy: Oo naman, sira. Bakit?
Harris: You’re kinda different today.
Cassidy: Pasalamat ka, maganda mood ko ngayon. Halika na nga! Bagal mo naman maglakad.
Harris: Saan ba kasi tayo pupunta?
Cassidy: Makikita mo rin.


Patuloy sila sa paglalakad at tumigil sa harap ng isang maliit ngunit eleganteng resto.


Harris: A sweet shop? Ano naman ang gagawin natin dito?
Cassidy: Eh di kakain. Tara, ililibre kita.


Harris: Ano ba ang nakain mo ngayon?
Cassidy: Wala pa nga. Kaya ako umoorder.
Harris: You really are acting unusual. Nininerbyos tuloy ako.
Cassidy: (tawa) Wag ka mag-alala. Ako ang magbabayad ng bill.
Harris: I don’t mean that.


Biglang kinuha ni Harris ang kanyang cellphone at pinikturan ang nakangiting Cassidy, na ikinabigla naman nito.


Cassidy: Hoy, anong ginawa mo? Akin na yan!
Harris: Pinikturan lang naman kita, bawal ba.
Cassidy: Delete mo yan!
Harris: No way. Minsan ka lang ngumiti eh. Pagbigyan mo na ako. Souvenir. Ganda mo dito oh.
Cassidy: Ewan ko sa iyo.
Harris: Sana lagi kang ganito.

Cassidy: Na ano? Normal? Hinding-hindi na babalik pa sa normal ang buhay ko.
Harris: I really don’t understand.
Cassidy: Talagang hindi mo maintindihan. Complicated masyado ang buhay ko. Daig ko pa yung mga award winning na mga telenovela sa TV.
Harris: Bakit ba ayaw mo kay Tita Ingrid? Mabait naman siya.
Cassidy: Pangalan pa nga lang kontrabida na ang dating. Ayoko pa rin. Kahit na anong gawin niya, hindi niya mapapalitan ang Mama ko. Tsaka, sisirain lang niya ang buhay ko. Aagawin niya pa si Papa sa akin.
Harris: Kaya ka ba nagrerebelde? Up to when will that be, Cassie?
Cassidy: Hanggat may magagawa pa ako. Hanggat hindi pa sila kasal. Kung mag-aasawang muli si Papa, makakalimutan na niya ako at ang mga alaala ni Mama.
Harris: I think okay lang naman sa Mama mo ang pag-aasawa muli ng Papa mo. After all, she only wants the two of you to be happy, right?
Cassidy: Paano naman ako magiging masaya nun?
Harris: Well of course, think about it. You will not only make your old man happy once again, but two more women. Ingrid and your mom. Alam mo kasi, malungkutin yan si Tita Ingrid. Unti she met Tito Lewis. Kaya, give them a chance, Cassie.
Cassidy: Hindi mo alam ang mga pinagdadaanan ko ngayon.
Harris: Of course, I knew. I lost my father in a car accident. But I didn’t hindered my mom from marrying once again. Even if they’re two different people.


Napatingin si Cassidy kay Harris. Sumeryoso bigla ang mukha nito.


Harris: Sympre at first it was not okay for me. But then I realize, pinapahirapan ko lang Mama ko at ang sarili ko. I was selfish for not letting her be with the man she loves. Kaya ayun, eventually they got together and since then, sa Korea na kami naninirahan.
Cassidy: Kaya pala nakakaintindi ka ng Tagalog, eh hindi ka naman Koreano.
Harris: Haha. Ganun din akala ng lahat sa akin.
Cassidy: Anong ginagawa mo dito sa Pilipinas?
Harris: Eh di nagbabakasyon. Honeymoon ni Mom at Dad, makikisali pa ako doon.


Napatawa doon si Cassidy.


Harris: Alam mo, not only your mom, Tita Ingrid or Tito Lewis deserves to be happy. Ikaw din Cassidy. Kaya, let go of the hate you’ve been carrying for years. Trust me.
Cassidy: Trust you? Eh hindi pa nga nagiisang buwan tayong magkakilala.
Harris: Hahaha. Sa gwapo kong ito, hindi mo ko mapagkakatiwalaan?

Dumating na ang waiter at sinerve ang kanilang mga pagkain.


Harris: Umorder ka ng chocolate cake?
Cassidy: Oo naman.


















Cassidy: Birthday ko ngayon eh.

No comments: