Chapter 5
Pasukan ulit. Gaya ng mga ginagawa ni Cassidy sa mga nakalipas na araw, nagpunta na siyang paaralan ng hindi nagpapaalam. Sa pagmamadali, may nakabunggo siyang lalaki. Kasabay nito silang nahulog sa skateboard.
Lalaki: Uyy sorry miss.
Cassidy: Ikaw?!
Naalala niya ang mukhang puno ng pasa na kanyang tinulungan kagabi. Ito ang lalaking nakatayo sa harap niya ngayon.
Lalaki: Sorry talaga.
Cassidy: Okay na. Basta kung magskaskateboard ka din, tingnan mo yang dinadaanan mo. Kaya ka ata napapaaway eh.
Dala ang kanilang skateboards, pumasok na sila.
Cassidy: Skater ka din pala.
Lalaki: Oo.
Cassidy: At dito ka din nag-aaral.
Lalaki: Oo.
Cassidy: Hindi naman kita nakikita dito araw-araw.
Lalaki: Minsan lang ako pumapasok. Kung gusto. Yun.
Cassidy: Nasa gusto pala yun. Sa bagay, wala din akong pakialam kung anong nangyayari dito e.
Lalaki: Anong section mo?
Cassidy: II-D.
Lalaki: Araw-araw na tayong magkikita, classmate.
Prof: Class dismissed. Study your assignments.
Lalaki: Uyy Cassie, skateboarding tayo. May alam akong lugar.
Cassidy: Sige ba.
Lalaki: O sige. Magkita na lang tayo sa gate. May pupuntahan lamang ako.
Paglabas, nakita uli ni Cassidy ang itim na kotse.
Cassidy: (isip) Siya uli?!
Ang anyo ni Harris ang lumabas doon at lumapit sa kanya.
Harris: Saan ka nagpunta kagabi? Alam mo bang nilibot ko ang boung lugar na ito para mahanap ka?
Cassidy: Bakit, sinabi ko ba?
Harris: Your Dad said we should go home together.
Cassidy: At sinong nagsabing susundin ko iyon?
Harris: Cassidy, your dad is so damn worried for you! Kaya halika na. Let’s go home.
Cassidy: Wala naman yun pakialam sa akin e.
Harris: Cassie. Please don’t give me a hard time now.
Cassidy: Huwag mo kong iingleshan. Kung pagod ka na sa akin, then, wag mo na akong susundan at ako pa ang matutuwa sa gagawin mo.
Hindi na niya pinansin si Harris at nagpatuloy sa lakad niya. Wala naman nagawa ang lalaki at sinundan na lamang niya ito ng tingin.
Mag-uumaga na ng mapagpasyahang umuwi ni Cassidy ng bahay. Nawili siya ng kakaskateboard kasama si Mr. Skate. Sa mga ganoong oras, himbing pa ang pagkakatulog ng lahat ngunit gusto pa rin niya makasiguro. Hindi na siya pumasok sa halip ay inakyat ang balkonahe ng third floor kung saan malapit ang kanyang kwarto. Doon na siya dumaan sa bintana ng kanyang silid. Nagulat siya sa kanyang nakita. Hindi pa man sapat ang liwanag na ibinigay ng bughaw na langit at sisikat na araw, kabisado na niya ang anyo ng lalaking nakasandal sa pader ng kanyang kwarto na tila nakatulog na roon. Ang anyo ni Harris.
Cassidy: (isip) Teka, hinihintay ba niya ang pagdating ko?
Linapitan niya ito at napangiti siya sa maamo nitong mukha. Para itong isang inosenteng bata na taliwas sa Harris na kilala niya kung gising. Pinagmasdan niya ang mahaba nitong pilik-mata, matangos na ilong at mapula-pulang labi.
Cassidy: (isip) May demonyo nga bang ganito ka gwapo?
Napangiti siya uli.
Cassidy: (isip) Haaay. Nag-guiguilty tuloy ako sa mga pinagsasabi ko sa iyo. Siguro nga nag-aalala ka talaga sa akin.
Marahan niyang yinugyug ang balikat nito. Nagising ito bigla.
Harris: C-Cassidy? Cassie? You’re home!
Cassidy: Kanina pa. Hmm anong ginawa mo dito sa kwarto ko?
Harris: Ahh... Kasi.. Ano...
Cassidy: Hinihintay mo ba pagdating ko?
Harris: Hindi ah.
Cassidy: (isip) Haay arogante pa rin. Bumalik ka na lang sa pagtulog mo, mas magugustuhan ko pa kung ganun.
Harris: Ah, Cassie. I’m really glad that you came home safe.
Cassidy: Oo naman. Ako pa.
Harris: So, uhh, balik na ko sa kwarto ko, okay?
Cassidy: Sandali. May gagawin ka ba mamaya?
Harris: Wala naman. Why?
Cassidy: Samahan mo naman ako.
No comments:
Post a Comment