Chapter 3
Nang gabing yun, hindi makatulog si Cassidy. Hindi kasi siya kumain buhat pa kaninang umaga. Hindi na makatiis, dahan dahan siyang pumunta sa kusina ng bahay. Matapos kumuha ng pagkain sa ref, unti-unti na niya itong kinain.
Cassidy: Mmm... sarap. Magaling din palang magluto yung Ingrid na yun. Mmm...
“Sinasabi ko na nga ba may tao rito.”
Biglang lumiwanag ang buong kusina nang buksan ng asungot na lalaki ang ilaw.
Cassidy: Hoy ano ba?! Magigising mo ang boung tao dito sa bahay eh?!
Tinitigan lamang siya ng lalaki ng maigi. Siya na ang unang nakipagkalas ng tingin dahil naasiwa na siya dito. Nag-iwan ito ng isang misteryosong na ngiti bago pumunta sa ref at uminom ng tubig. Pinagtakhan naman yon ni Cassidy. Sinundan niya ito ng tingin.
Cassidy: (isip) Ahh kaya pala. Taga Korea nga pala ang mokong na ito. Marahil hindi ito nakakaintindi ng Tagalog. Hehe. Mapagtrpipan nga.
Cassidy: Hoy asungot. Alam mo ba nakakaasar yung ginawa mo sa kwarto ko?! Ha? Paborito ko ang kwarto kong iyon, nandoon na ako, anghel pa lamang ako. Nandoon din ang mga alaala ko sa Mama ko. Kaya asar na asar talaga ako sa iyo. Sayang gwapo ka pa naman. Ha. Nakakalungkot isipin, magiging pipi ka lamang dito. Mamatay ang mga instik sa bahay na ito!
Tiningnan uli siya ng lalaki. At saka tumawa.
Cassidy: Nakakaawa, hindi mo maintindihan ang mga sinasabi ko at tumatawa ka na lamang na parang baliw.
Si Cassidy naman ang humagikgik pero siya’y napahinto at nabigla siya sa mga binitiwang salita ng lalaki.
Lalaki: Kakain ka rin pala dami mo pang sinasabi. Nagtatago ka pa.
Sa mga oras na iyon gusto na lamang makain ng lupa si Cassidy.
Cassidy: N-nakaka... nakakaintindi ka ng tagalog?
Lalaki: Hindi naman obvious di ba.
Cassidy: (isip) Ayy panu yun. Nakakahiya!
Hindi na lamang niya pinansin ang lalaki. Patuloy siya sa paglamon ng pagkain at dinaan na lamang niya sa gutom ang hiya niya.
Lalaki: Uyy, dahan dahan naman, baka mabulunan ka nyan.
Cassidy: Gutom ako no.
Nagdilang anghel yata ang lalaki at tuluyan na ngang nabulunan si Cassidy. Dali-dali naman itong kumuha ng tubig sa ref at pinainom siya nito.
Cassidy: M-may lahing demonyo ka yata eh...
Lalaki: Pinagiingat na nga kita, demonyo pa rin turing mo sa akin. Sabihin mo nga, may demonyo bang ganito ka gwapo?
Cassidy: Tse! O, eh ano pa yung ginagawa mo dyan, alis na! Bumalik ak na sa lungga mo, baka may mangyari uling masama sa akin dito.
Lalaki: Ayaw mong samahan kita dito sa baba? Malalim na din ang gabi. Marami na ang nagsisilabasan. Ikaw rin. Pero sige, kung yun ang gusto mo. Matutulog na lamang ako. Papatayin ko pa rin ba ang ilaw?
Bibilisan na lamang ni Cassidy ang pagkain. Di naman niya napansin kaninang nakakatakot din pala mag-isa sa kusina ng bahay dahil gutom pa siya. Umupo sa tapat ng silya niya ang lalaki.
Lalaki: Ang lakas mo kumain pero ang cute mo pa rin.
Cassidy: Nang-aasar ka ba?
Lalaki: Asar ba yun. Pinupuri na nga kita. Bakit ba lagi kang galit sa mundo?
Cassidy: Ano ba ang pakialam mo? Bakit, psychologist ka ba, pasyente mo ba ako?
Lalaki: Eh, di kunwari ganun. Eh kasi, lagi mong sinisigawan lahat ng tao sa bahay. Pati na yung Mama at Papa mo.
Cassidy: Matagal na akong walang Mama. At hinding-hindi na magkakaroon pa ng bago.
Lalaki: Ahh. Ganun pala. Galit ka sa Papa mo kasi ipagpapalit na niya ang Mama mo kay Tita Ingrid di ba?
Cassidy: Tumahimik ka nga, wala kang alam sa akin.
Lalaki: Ahh, sorry ha. Hindi ako dapat nanghihimasok.
Biglang naging seryoso ang mukha ng lalaki. Sincere naman ang pag apologize nito.
Lalaki: Busog ka na ba?
Cassidy: Kung napapagod ka na sa paghihintay, mauna ka nalang no. Hindi naman kita pinipilit.
Lalaki: It’s okay. Ayaw kaya kitang iwan dito.
Cassidy: (isip) Nakakataba naman ng puso ang sinabi ng asungot na ito. Nakakakonsensya tuloy.
Cassidy: Matatapos na ko. Last na ito. Ano nga pala ang pangalan mo?
Lalaki: Nagwa-gwapuhan ka na ba talaga sa akin?
Cassidy: Nagtatanong lang ng pangalan. O, kung gusto mo, asungot na lang ang itawag ko sa iyo. Ayaw mo naman yata ibigay---
Lalaki: ---Harris. Harris Park.
Cassidy: Harris. Hmm. Sasabihin mo din pala.
Harris: Ikaw, anung pangalan mo?
Cassidy: Ba’t ko naman ibibigay sa iyo, hindi pa nga kita kilala masyado.
Harris: Eh di gagawa na lang ako ng itatawag ko sa iyo. Madali naman akong kausap.
Cassidy: Style mo bulok. Ginaya mo lang ako e. Haay bahala ka, kahit na anong itawag mo sa akin, hindi ko ibibigay ang pangalan ko.
Harris: Ano kaya maganda? Hmm, I know. Baby na lang itatawag ko sayo. Para ka kasing bata kung umasta. Ano, okay lang, baby ko?
Nakakabaliw na ngiti ang ibinigay ng lalaki. Kinabahan siya bigla.
Cassidy: Dyan Cassidy. Cassie na lang. Okay?
Harris: Cassidy. You’re as beautiful as your name.
Cassidy: Sira!
No comments:
Post a Comment