Monday, February 02, 2009

Chapter 2- You Feel Like You’ve Been Left Behind

Chapter 2


Cassidy: Hoy, kung sino ka man! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!


Hindi natinag sa pwesto ang lalaki at patuloy pa rin ito sa paghilik.


Cassidy: Hoy, ano ba?! Gumising ka nga dyan!


Sinubukan niyang yugyugin ang balikat ng kanyang salarin ngunit huli na ng hugutin nito ang kanyang braso at tuluyan na siyang bumagsak at napahiga sa kama kasama ang lalaki. Ilang pulgada na lamang ang lapit ng mukha nila sa isa’t-isa. Pero parang unan pa yata ang tingin sa kanya ng lalaki at tinandayan pang kay himbing pa rin ng tulog!


Sa galit, sinapak na ito Cassidy. Tuluyan na itong nagising at gulat na gulat pang tumingin sa kanya.


Lalaki: W-who are you!?
Cassidy: Sa tingin ko, ako ang dapat magtanong nyan sa’yo!


Pumanaog na siya sa kama. Gulat pa rin ang nakarehistro sa mukha ng lalaki. Marahil ay narinig ni Lewis ang konting gulo at bigla itong sumulpot sa kwarto. Humahangos na anyo ni Ingrid ang sumunod.


Lewis: Cassie!
Ingrid: Ay, anak, dapat pala ay sinabi ko sa iyo.
Cassidy: Sino ang lalaking ito at anong ginagawa niya sa kwarto ko?!
Ingrid: Anak siya ng kaibigan kong nasa Korea. Nagbabakasyon siya ngayon dito sa Pilipinas at naisipan kong dito na muna siya patuluyin. Hindi ko naman alam na kwarto mo pala ito, iha.
Cassidy: At sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot para gawin mo yon?
Lewis: Ako, Dyan Cassidy.


Cassidy: (isip) Galit na si Papa. Tinatawag niya ang aking buong pangalan pag galit na galit na talga siya.


Cassidy: Nawala lang ako ng ilang araw, naging bahay-ampunan na pala ang tahanan na to. Lilipat na lang ako sa ibang kuwarto. Total, lahat naman ay nagbago na sa bahay na ito. At kailanman, hindi na mababalik ang dating takbo ng buhay ko.


Lumabas na ng kwarto si Cassidy.


Ingrid: Kung gusto mo, anak, tutulungan na kitang pumili at maglipat ng gamit mo sa bago mong kwarto. Meron akong nakitang mas malaki pa sa dati mong silid.
Cassidy: Huwag mo nga akong pagsabihan kung ano ang gusto ko.







































Cassidy: Bakit, ikaw ba ang Mama ko?

No comments: