Chapter 4
Lunes. Walang choice si Cassidy, mas gugustuhin na lang nyang pumasok sa paaralan kesa naman manatili sa bahay kasama si Ingrid. Hindi na siya nagpaalam pa, nagpaunlak na lamang siyang papuntang school sakay ng kanyang skateboard. Pagpasok niya ng classroom, nagsalita ang propessor.
Prof: You’re late Ms. Monteverde.
Cassidy: Obvious naman diba.
Prof: Maupo ka na sa harap at magsisimula na ang klase.
Patuloy na naglakad papunta sa pinakalikod na upuan si Cassidy.
Cassidy: Ayaw kong umupo sa harap ma’am.
Tumingin ito ng masama sa kanya. Halatang naghahalukipkip na sa galit ang titser. Wala itong nagawa at nagkibit-balikat na lamang.
Nagsisiuwian na ang mga estudyante matapos ang isang araw na pasok. Kinuha ni Cassidy ang kanyang skateboard at nagsimula ng umuwi. Sa kalayuan, kanyang natanaw ang isang itim na kotse.
“Baby!!”
Nanlilisik ang mga matang linapitan niya ang lalaki. Iisa lamang ang taong ganun ang tawag sa kanya.
Cassidy: Hoy, lalaki, hindi ba’t sinabi ko sayo’ng wag mo kong tawaging Baby!!
Harris: Hey I was just kiddding. Baka kasi di mo ko pansinin kapag tinawag kita.
Cassidy: Ewan ko sa’yo!!
Harris: Hey wait. Saan ka ba nagpunta? Maaga kang umalis ng bahay kanina. Kumain ka na ba?
Cassidy: Kahit kelan talaga, pakialamero ka.
Harris: I’m worried. Sinabi sa akin ni Tita Ingrid, nagattempt ka na daw noon magsuicide.
Cassidy: At chismoso ka na rin pala.
Harris: Halika. Uuwi na tayo.
Cassidy: Ayoko nga! Bitiwan mo nga ako.
Kinalas niya ang kamay ni Harris sa braso niya at gamit ang skateboard, tinakbuhan niya ang lalaki.
Harris: Cassie! Hey Cassidy!
Cassidy: (isip) Haay, asar talaga ang lalaking yun. Ayoko pa ngang umuwi.
Patuloy siyang nagskateboard hanggang nakahanap siya ng lugar na tahimik.
Cassidy: Sa wakas. Peace and quiet.
Ilang minuto pa ag lumipas at nakarinig siya ng parang may umuubo.
Cassidy: Dyos ko, mimumulto na yata ako!
Lalong lumakas ang pag-ubo at may naririnig na din siyang ungol sa dilim.
Cassidy: Uuwi na talaga ako!
Isang malakas na ungol pa at nasabi niyang hindi multo kundi may tao talaga sa likod ng inuupuan niya. Humugot siya ng lakas ng loob, bago tiningnan kung saan nanggagaling ang narirrinig niyang ingay.
Cassidy: M-may tao ba dyan?
“T-tulong...”
Doon na niya nakita ang isang lalaking nakahimlay sa damuhan.
Cassidy: Uyy, okay ka lang ba?
Bumili ng alcohol at bandage si Cassidy at saka na niya ginamot ang mga sagot ng lalaki sa mukha.
Lalaki: Aahh... A-ara-ayy...
Cassidy: Para ka namang hindi lalaki. Teka, ano bang nangyari sa’yo?
Lalaki: Wala ito. Kasalanan ko rin.
Cassidy: Kayo talagang mga lalaki. Akala ninyo kung sino na kayong Superman kung makipag-away.
Lalaki: Salamat nga pala ha. Ano bang pangalan mo?
Cassidy: Sorry. Hindi ako nambibigay ng pangalan sa di ko kilala.
Lalaki: Cassie ba?
Cassidy: Aba’t paano--?
Lalaki: Nasa skateboard mo. Skater ka pala. Ganda ng pangalan mo. Kasingganda mo.
Cassidy: Ikaw na nga gumamot yang sugat mo. Uuwi na ko.
Lalaki: Sana magkita tayo uli, Cassie!
At iniwan na lamang niya ang lalaki. Pagdating sa bahay...
Cassidy: Psst! Manang!
Maid: Naku ma’am mabuti naman nakauwi na kayo.
Cassidy: Ssshhh! Wag ka masyadong maingay. Andyan pa ba sina Papa?
Maid: Opo. Nasa sala. Hinihintay ang iyong pagdating.
Cassidy: Ganun ba. Ganito na lang. Dalhan mo ko ng pagkain sa kwarto. Wag pa magpahalata kay Papa, ha. Sabihin mo hindi pa ko nakakauwi.
Maid: Sige po ma’am. Pero...
Cassidy: Bakit?
Maid: Pero kasi...
Cassidy: Ano nga yun?
Maid: Kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Harris. Nag-aalala kasi siya sa’yo. Hindi pa din umuuwi ang binatang iyon hanggang ngayon kasi hinahanap ka niya.
Cassidy: Hinahanap niya ko?
No comments:
Post a Comment