Monday, February 02, 2009

Chapter 6- The Choco-Coated Cake

Chapter 6


Cassidy: Titingnan mo na lang ba ako ng ganyan buong araw?
Harris: I’m sorry. I just don’t get it. Ikaw nga ba talaga yan, Cassie?

Cassidy: Oo naman, sira. Bakit?
Harris: You’re kinda different today.
Cassidy: Pasalamat ka, maganda mood ko ngayon. Halika na nga! Bagal mo naman maglakad.
Harris: Saan ba kasi tayo pupunta?
Cassidy: Makikita mo rin.


Patuloy sila sa paglalakad at tumigil sa harap ng isang maliit ngunit eleganteng resto.


Harris: A sweet shop? Ano naman ang gagawin natin dito?
Cassidy: Eh di kakain. Tara, ililibre kita.


Harris: Ano ba ang nakain mo ngayon?
Cassidy: Wala pa nga. Kaya ako umoorder.
Harris: You really are acting unusual. Nininerbyos tuloy ako.
Cassidy: (tawa) Wag ka mag-alala. Ako ang magbabayad ng bill.
Harris: I don’t mean that.


Biglang kinuha ni Harris ang kanyang cellphone at pinikturan ang nakangiting Cassidy, na ikinabigla naman nito.


Cassidy: Hoy, anong ginawa mo? Akin na yan!
Harris: Pinikturan lang naman kita, bawal ba.
Cassidy: Delete mo yan!
Harris: No way. Minsan ka lang ngumiti eh. Pagbigyan mo na ako. Souvenir. Ganda mo dito oh.
Cassidy: Ewan ko sa iyo.
Harris: Sana lagi kang ganito.

Cassidy: Na ano? Normal? Hinding-hindi na babalik pa sa normal ang buhay ko.
Harris: I really don’t understand.
Cassidy: Talagang hindi mo maintindihan. Complicated masyado ang buhay ko. Daig ko pa yung mga award winning na mga telenovela sa TV.
Harris: Bakit ba ayaw mo kay Tita Ingrid? Mabait naman siya.
Cassidy: Pangalan pa nga lang kontrabida na ang dating. Ayoko pa rin. Kahit na anong gawin niya, hindi niya mapapalitan ang Mama ko. Tsaka, sisirain lang niya ang buhay ko. Aagawin niya pa si Papa sa akin.
Harris: Kaya ka ba nagrerebelde? Up to when will that be, Cassie?
Cassidy: Hanggat may magagawa pa ako. Hanggat hindi pa sila kasal. Kung mag-aasawang muli si Papa, makakalimutan na niya ako at ang mga alaala ni Mama.
Harris: I think okay lang naman sa Mama mo ang pag-aasawa muli ng Papa mo. After all, she only wants the two of you to be happy, right?
Cassidy: Paano naman ako magiging masaya nun?
Harris: Well of course, think about it. You will not only make your old man happy once again, but two more women. Ingrid and your mom. Alam mo kasi, malungkutin yan si Tita Ingrid. Unti she met Tito Lewis. Kaya, give them a chance, Cassie.
Cassidy: Hindi mo alam ang mga pinagdadaanan ko ngayon.
Harris: Of course, I knew. I lost my father in a car accident. But I didn’t hindered my mom from marrying once again. Even if they’re two different people.


Napatingin si Cassidy kay Harris. Sumeryoso bigla ang mukha nito.


Harris: Sympre at first it was not okay for me. But then I realize, pinapahirapan ko lang Mama ko at ang sarili ko. I was selfish for not letting her be with the man she loves. Kaya ayun, eventually they got together and since then, sa Korea na kami naninirahan.
Cassidy: Kaya pala nakakaintindi ka ng Tagalog, eh hindi ka naman Koreano.
Harris: Haha. Ganun din akala ng lahat sa akin.
Cassidy: Anong ginagawa mo dito sa Pilipinas?
Harris: Eh di nagbabakasyon. Honeymoon ni Mom at Dad, makikisali pa ako doon.


Napatawa doon si Cassidy.


Harris: Alam mo, not only your mom, Tita Ingrid or Tito Lewis deserves to be happy. Ikaw din Cassidy. Kaya, let go of the hate you’ve been carrying for years. Trust me.
Cassidy: Trust you? Eh hindi pa nga nagiisang buwan tayong magkakilala.
Harris: Hahaha. Sa gwapo kong ito, hindi mo ko mapagkakatiwalaan?

Dumating na ang waiter at sinerve ang kanilang mga pagkain.


Harris: Umorder ka ng chocolate cake?
Cassidy: Oo naman.


















Cassidy: Birthday ko ngayon eh.

Chapter 5- You Are Not Alone

Chapter 5


Pasukan ulit. Gaya ng mga ginagawa ni Cassidy sa mga nakalipas na araw, nagpunta na siyang paaralan ng hindi nagpapaalam. Sa pagmamadali, may nakabunggo siyang lalaki. Kasabay nito silang nahulog sa skateboard.


Lalaki: Uyy sorry miss.
Cassidy: Ikaw?!


Naalala niya ang mukhang puno ng pasa na kanyang tinulungan kagabi. Ito ang lalaking nakatayo sa harap niya ngayon.


Lalaki: Sorry talaga.
Cassidy: Okay na. Basta kung magskaskateboard ka din, tingnan mo yang dinadaanan mo. Kaya ka ata napapaaway eh.


Dala ang kanilang skateboards, pumasok na sila.


Cassidy: Skater ka din pala.
Lalaki: Oo.
Cassidy: At dito ka din nag-aaral.
Lalaki: Oo.
Cassidy: Hindi naman kita nakikita dito araw-araw.
Lalaki: Minsan lang ako pumapasok. Kung gusto. Yun.
Cassidy: Nasa gusto pala yun. Sa bagay, wala din akong pakialam kung anong nangyayari dito e.
Lalaki: Anong section mo?
Cassidy: II-D.
Lalaki: Araw-araw na tayong magkikita, classmate.


Prof: Class dismissed. Study your assignments.


Lalaki: Uyy Cassie, skateboarding tayo. May alam akong lugar.
Cassidy: Sige ba.
Lalaki: O sige. Magkita na lang tayo sa gate. May pupuntahan lamang ako.


Paglabas, nakita uli ni Cassidy ang itim na kotse.


Cassidy: (isip) Siya uli?!


Ang anyo ni Harris ang lumabas doon at lumapit sa kanya.


Harris: Saan ka nagpunta kagabi? Alam mo bang nilibot ko ang boung lugar na ito para mahanap ka?
Cassidy: Bakit, sinabi ko ba?
Harris: Your Dad said we should go home together.
Cassidy: At sinong nagsabing susundin ko iyon?
Harris: Cassidy, your dad is so damn worried for you! Kaya halika na. Let’s go home.
Cassidy: Wala naman yun pakialam sa akin e.
Harris: Cassie. Please don’t give me a hard time now.
Cassidy: Huwag mo kong iingleshan. Kung pagod ka na sa akin, then, wag mo na akong susundan at ako pa ang matutuwa sa gagawin mo.


Hindi na niya pinansin si Harris at nagpatuloy sa lakad niya. Wala naman nagawa ang lalaki at sinundan na lamang niya ito ng tingin.


Mag-uumaga na ng mapagpasyahang umuwi ni Cassidy ng bahay. Nawili siya ng kakaskateboard kasama si Mr. Skate. Sa mga ganoong oras, himbing pa ang pagkakatulog ng lahat ngunit gusto pa rin niya makasiguro. Hindi na siya pumasok sa halip ay inakyat ang balkonahe ng third floor kung saan malapit ang kanyang kwarto. Doon na siya dumaan sa bintana ng kanyang silid. Nagulat siya sa kanyang nakita. Hindi pa man sapat ang liwanag na ibinigay ng bughaw na langit at sisikat na araw, kabisado na niya ang anyo ng lalaking nakasandal sa pader ng kanyang kwarto na tila nakatulog na roon. Ang anyo ni Harris.


Cassidy: (isip) Teka, hinihintay ba niya ang pagdating ko?


Linapitan niya ito at napangiti siya sa maamo nitong mukha. Para itong isang inosenteng bata na taliwas sa Harris na kilala niya kung gising. Pinagmasdan niya ang mahaba nitong pilik-mata, matangos na ilong at mapula-pulang labi.


Cassidy: (isip) May demonyo nga bang ganito ka gwapo?


Napangiti siya uli.


Cassidy: (isip) Haaay. Nag-guiguilty tuloy ako sa mga pinagsasabi ko sa iyo. Siguro nga nag-aalala ka talaga sa akin.


Marahan niyang yinugyug ang balikat nito. Nagising ito bigla.


Harris: C-Cassidy? Cassie? You’re home!
Cassidy: Kanina pa. Hmm anong ginawa mo dito sa kwarto ko?

Harris: Ahh... Kasi.. Ano...
Cassidy: Hinihintay mo ba pagdating ko?
Harris: Hindi ah.


Cassidy: (isip) Haay arogante pa rin. Bumalik ka na lang sa pagtulog mo, mas magugustuhan ko pa kung ganun.


Harris: Ah, Cassie. I’m really glad that you came home safe.
Cassidy: Oo naman. Ako pa.
Harris: So, uhh, balik na ko sa kwarto ko, okay?


Paalis na ito ng tawagin ni Cassidy.


Cassidy: Sandali. May gagawin ka ba mamaya?
Harris: Wala naman. Why?





















Cassidy: Samahan mo naman ako.

Chapter 4- A Minute Radiance of Hope

Chapter 4

Lunes. Walang choice si Cassidy, mas gugustuhin na lang nyang pumasok sa paaralan kesa naman manatili sa bahay kasama si Ingrid. Hindi na siya nagpaalam pa, nagpaunlak na lamang siyang papuntang school sakay ng kanyang skateboard. Pagpasok niya ng classroom, nagsalita ang propessor.


Prof: You’re late Ms. Monteverde.
Cassidy: Obvious naman diba.
Prof: Maupo ka na sa harap at magsisimula na ang klase.


Patuloy na naglakad papunta sa pinakalikod na upuan si Cassidy.


Cassidy: Ayaw kong umupo sa harap ma’am.


Tumingin ito ng masama sa kanya. Halatang naghahalukipkip na sa galit ang titser. Wala itong nagawa at nagkibit-balikat na lamang.


Nagsisiuwian na ang mga estudyante matapos ang isang araw na pasok. Kinuha ni Cassidy ang kanyang skateboard at nagsimula ng umuwi. Sa kalayuan, kanyang natanaw ang isang itim na kotse.


“Baby!!”


Nanlilisik ang mga matang linapitan niya ang lalaki. Iisa lamang ang taong ganun ang tawag sa kanya.


Cassidy: Hoy, lalaki, hindi ba’t sinabi ko sayo’ng wag mo kong tawaging Baby!!
Harris: Hey I was just kiddding. Baka kasi di mo ko pansinin kapag tinawag kita.
Cassidy: Ewan ko sa’yo!!
Harris: Hey wait. Saan ka ba nagpunta? Maaga kang umalis ng bahay kanina. Kumain ka na ba?
Cassidy: Kahit kelan talaga, pakialamero ka.
Harris: I’m worried. Sinabi sa akin ni Tita Ingrid, nagattempt ka na daw noon magsuicide.
Cassidy: At chismoso ka na rin pala.
Harris: Halika. Uuwi na tayo.
Cassidy: Ayoko nga! Bitiwan mo nga ako.

Kinalas niya ang kamay ni Harris sa braso niya at gamit ang skateboard, tinakbuhan niya ang lalaki.


Harris: Cassie! Hey Cassidy!


Cassidy: (isip) Haay, asar talaga ang lalaking yun. Ayoko pa ngang umuwi.


Patuloy siyang nagskateboard hanggang nakahanap siya ng lugar na tahimik.


Cassidy: Sa wakas. Peace and quiet.


Ilang minuto pa ag lumipas at nakarinig siya ng parang may umuubo.


Cassidy: Dyos ko, mimumulto na yata ako!


Lalong lumakas ang pag-ubo at may naririnig na din siyang ungol sa dilim.


Cassidy: Uuwi na talaga ako!


Isang malakas na ungol pa at nasabi niyang hindi multo kundi may tao talaga sa likod ng inuupuan niya. Humugot siya ng lakas ng loob, bago tiningnan kung saan nanggagaling ang narirrinig niyang ingay.


Cassidy: M-may tao ba dyan?


“T-tulong...”


Doon na niya nakita ang isang lalaking nakahimlay sa damuhan.


Cassidy: Uyy, okay ka lang ba?


Bumili ng alcohol at bandage si Cassidy at saka na niya ginamot ang mga sagot ng lalaki sa mukha.


Lalaki: Aahh... A-ara-ayy...
Cassidy: Para ka namang hindi lalaki. Teka, ano bang nangyari sa’yo?
Lalaki: Wala ito. Kasalanan ko rin.
Cassidy: Kayo talagang mga lalaki. Akala ninyo kung sino na kayong Superman kung makipag-away.
Lalaki: Salamat nga pala ha. Ano bang pangalan mo?
Cassidy: Sorry. Hindi ako nambibigay ng pangalan sa di ko kilala.
Lalaki: Cassie ba?
Cassidy: Aba’t paano--?
Lalaki: Nasa skateboard mo. Skater ka pala. Ganda ng pangalan mo. Kasingganda mo.
Cassidy: Ikaw na nga gumamot yang sugat mo. Uuwi na ko.
Lalaki: Sana magkita tayo uli, Cassie!

At iniwan na lamang niya ang lalaki. Pagdating sa bahay...


Cassidy: Psst! Manang!

Maid: Naku ma’am mabuti naman nakauwi na kayo.
Cassidy: Ssshhh! Wag ka masyadong maingay. Andyan pa ba sina Papa?
Maid: Opo. Nasa sala. Hinihintay ang iyong pagdating.

Cassidy: Ganun ba. Ganito na lang. Dalhan mo ko ng pagkain sa kwarto. Wag pa magpahalata kay Papa, ha. Sabihin mo hindi pa ko nakakauwi.
Maid: Sige po ma’am. Pero...
Cassidy: Bakit?
Maid: Pero kasi...
Cassidy: Ano nga yun?
Maid: Kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Harris. Nag-aalala kasi siya sa’yo. Hindi pa din umuuwi ang binatang iyon hanggang ngayon kasi hinahanap ka niya.




















Cassidy: Hinahanap niya ko?

Chapter 3- The Great Escape

Chapter 3


Nang gabing yun, hindi makatulog si Cassidy. Hindi kasi siya kumain buhat pa kaninang umaga. Hindi na makatiis, dahan dahan siyang pumunta sa kusina ng bahay. Matapos kumuha ng pagkain sa ref, unti-unti na niya itong kinain.

Cassidy: Mmm... sarap. Magaling din palang magluto yung Ingrid na yun. Mmm...


“Sinasabi ko na nga ba may tao rito.”

Biglang lumiwanag ang buong kusina nang buksan ng asungot na lalaki ang ilaw.


Cassidy: Hoy ano ba?! Magigising mo ang boung tao dito sa bahay eh?!



Tinitigan lamang siya ng lalaki ng maigi. Siya na ang unang nakipagkalas ng tingin dahil naasiwa na siya dito. Nag-iwan ito ng isang misteryosong na ngiti bago pumunta sa ref at uminom ng tubig. Pinagtakhan naman yon ni Cassidy. Sinundan niya ito ng tingin.


Cassidy: (isip) Ahh kaya pala. Taga Korea nga pala ang mokong na ito. Marahil hindi ito nakakaintindi ng Tagalog. Hehe. Mapagtrpipan nga.


Cassidy: Hoy asungot. Alam mo ba nakakaasar yung ginawa mo sa kwarto ko?! Ha? Paborito ko ang kwarto kong iyon, nandoon na ako, anghel pa lamang ako. Nandoon din ang mga alaala ko sa Mama ko. Kaya asar na asar talaga ako sa iyo. Sayang gwapo ka pa naman. Ha. Nakakalungkot isipin, magiging pipi ka lamang dito. Mamatay ang mga instik sa bahay na ito!

Tiningnan uli siya ng lalaki. At saka tumawa.


Cassidy: Nakakaawa, hindi mo maintindihan ang mga sinasabi ko at tumatawa ka na lamang na parang baliw.


Si Cassidy naman ang humagikgik pero siya’y napahinto at nabigla siya sa mga binitiwang salita ng lalaki.


Lalaki: Kakain ka rin pala dami mo pang sinasabi. Nagtatago ka pa.


Sa mga oras na iyon gusto na lamang makain ng lupa si Cassidy.


Cassidy: N-nakaka... nakakaintindi ka ng tagalog?
Lalaki: Hindi naman obvious di ba.


Cassidy: (isip) Ayy panu yun. Nakakahiya!


Hindi na lamang niya pinansin ang lalaki. Patuloy siya sa paglamon ng pagkain at dinaan na lamang niya sa gutom ang hiya niya.


Lalaki: Uyy, dahan dahan naman, baka mabulunan ka nyan.
Cassidy: Gutom ako no.


Nagdilang anghel yata ang lalaki at tuluyan na ngang nabulunan si Cassidy. Dali-dali naman itong kumuha ng tubig sa ref at pinainom siya nito.


Cassidy: M-may lahing demonyo ka yata eh...
Lalaki: Pinagiingat na nga kita, demonyo pa rin turing mo sa akin. Sabihin mo nga, may demonyo bang ganito ka gwapo?
Cassidy: Tse! O, eh ano pa yung ginagawa mo dyan, alis na! Bumalik ak na sa lungga mo, baka may mangyari uling masama sa akin dito.
Lalaki: Ayaw mong samahan kita dito sa baba? Malalim na din ang gabi. Marami na ang nagsisilabasan. Ikaw rin. Pero sige, kung yun ang gusto mo. Matutulog na lamang ako. Papatayin ko pa rin ba ang ilaw?
Cassidy: Uyy teka. Hintayin mo na lang ako. Matatapos na ito.


Bibilisan na lamang ni Cassidy ang pagkain. Di naman niya napansin kaninang nakakatakot din pala mag-isa sa kusina ng bahay dahil gutom pa siya. Umupo sa tapat ng silya niya ang lalaki.


Lalaki: Ang lakas mo kumain pero ang cute mo pa rin.

Cassidy: Nang-aasar ka ba?
Lalaki: Asar ba yun. Pinupuri na nga kita. Bakit ba lagi kang galit sa mundo?
Cassidy: Ano ba ang pakialam mo? Bakit, psychologist ka ba, pasyente mo ba ako?
Lalaki: Eh, di kunwari ganun. Eh kasi, lagi mong sinisigawan lahat ng tao sa bahay. Pati na yung Mama at Papa mo.
Cassidy: Matagal na akong walang Mama. At hinding-hindi na magkakaroon pa ng bago.
Lalaki: Ahh. Ganun pala. Galit ka sa Papa mo kasi ipagpapalit na niya ang Mama mo kay Tita Ingrid di ba?
Cassidy: Tumahimik ka nga, wala kang alam sa akin.
Lalaki: Ahh, sorry ha. Hindi ako dapat nanghihimasok.


Biglang naging seryoso ang mukha ng lalaki. Sincere naman ang pag apologize nito.


Lalaki: Busog ka na ba?
Cassidy: Kung napapagod ka na sa paghihintay, mauna ka nalang no. Hindi naman kita pinipilit.
Lalaki: It’s okay. Ayaw kaya kitang iwan dito.


Cassidy: (isip) Nakakataba naman ng puso ang sinabi ng asungot na ito. Nakakakonsensya tuloy.


Cassidy: Matatapos na ko. Last na ito. Ano nga pala ang pangalan mo?
Lalaki: Nagwa-gwapuhan ka na ba talaga sa akin?
Cassidy: Nagtatanong lang ng pangalan. O, kung gusto mo, asungot na lang ang itawag ko sa iyo. Ayaw mo naman yata ibigay---
Lalaki: ---Harris. Harris Park.
Cassidy: Harris. Hmm. Sasabihin mo din pala.
Harris: Ikaw, anung pangalan mo?
Cassidy: Ba’t ko naman ibibigay sa iyo, hindi pa nga kita kilala masyado.
Harris: Eh di gagawa na lang ako ng itatawag ko sa iyo. Madali naman akong kausap.
Cassidy: Style mo bulok. Ginaya mo lang ako e. Haay bahala ka, kahit na anong itawag mo sa akin, hindi ko ibibigay ang pangalan ko.
Harris: Ano kaya maganda? Hmm, I know. Baby na lang itatawag ko sayo. Para ka kasing bata kung umasta. Ano, okay lang, baby ko?


Nakakabaliw na ngiti ang ibinigay ng lalaki. Kinabahan siya bigla.


Cassidy: Dyan Cassidy. Cassie na lang. Okay?
Harris: Cassidy. You’re as beautiful as your name.
Cassidy: Sira!

Chapter 1- Pieces of Dreams Had Been Shattered

She’s My Skater Girl

Characters:

Dyan Cassidy Monteverde
Harris Park
Galvin Santos
Ingrid Sxu
Lewis Monteverde
Other Characters
Narrator


Chapter 1


Doctor: Mabuti na lamang naagapan ka agad or those different pills you drank could cause your life.

Cassidy: Eh di sana pala namatay na lang ako.
Lewis: Dyan Cassidy! Huwag ka magsalita ng ganyan. Ah eh, salamat po doc.
Doctor: I’m happy to tell you that her health is okay now and she could be discharged from the hospital.
Lewis: Thank you. Uuwi na tayo ngayon, anak.


Kasama ni Cassidy ang Papa niya na umalis ng ospital at bumalik sa kanilang bahay. Paglabas niya ng kotse, natanaw niya ang kanilang tahanan. Ganun pa rin. Wala itong pinagbago.


Ingrid: Cassidy, anak, welcome home!


Mali pala. Simula ngayon, marami na ang magbabago.


Ingrid: Mabuti naman at nakalabas ka na ng ospital. Nag-aalala pa naman ako sayo.

Cassidy: Aminin mo nga. Gusto mo naman talaga akong mamatay eh.
Ingrid: Naku, hindi sympre, anak. Halika at pinagluto kita ng agahan.
Cassidy: Hindi ako gutom.


Kahit ano naman talaga ay kayang kainin ni Cassidy ngayon, lalo pa’t walang kwenta ang mga pagkain sa ospital. Pero, ayaw niyang isipin ni ‘Ingrid’ na okay na siya sa kanya.


Cassie: (isip) Haay. Makahiga na nga lang at itutulog ko na lang itong gutom ko.


Laking gulat ni Cassie ng buksan niya ang pinto ng kwarto niya. Puno ng kung anong posters ang dingding, nagkakalat ang mga labahan sa sahig at nakakabingi ang music na galing sa umaandar na stereo na wala namang nakikinig. Sa kama, sa kanyang queensize bed, kanyang namataan ang isang lalaking walang suot pang-itaas na tila kay sarap pa ata ng tulog!

Chapter 2- You Feel Like You’ve Been Left Behind

Chapter 2


Cassidy: Hoy, kung sino ka man! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!


Hindi natinag sa pwesto ang lalaki at patuloy pa rin ito sa paghilik.


Cassidy: Hoy, ano ba?! Gumising ka nga dyan!


Sinubukan niyang yugyugin ang balikat ng kanyang salarin ngunit huli na ng hugutin nito ang kanyang braso at tuluyan na siyang bumagsak at napahiga sa kama kasama ang lalaki. Ilang pulgada na lamang ang lapit ng mukha nila sa isa’t-isa. Pero parang unan pa yata ang tingin sa kanya ng lalaki at tinandayan pang kay himbing pa rin ng tulog!


Sa galit, sinapak na ito Cassidy. Tuluyan na itong nagising at gulat na gulat pang tumingin sa kanya.


Lalaki: W-who are you!?
Cassidy: Sa tingin ko, ako ang dapat magtanong nyan sa’yo!


Pumanaog na siya sa kama. Gulat pa rin ang nakarehistro sa mukha ng lalaki. Marahil ay narinig ni Lewis ang konting gulo at bigla itong sumulpot sa kwarto. Humahangos na anyo ni Ingrid ang sumunod.


Lewis: Cassie!
Ingrid: Ay, anak, dapat pala ay sinabi ko sa iyo.
Cassidy: Sino ang lalaking ito at anong ginagawa niya sa kwarto ko?!
Ingrid: Anak siya ng kaibigan kong nasa Korea. Nagbabakasyon siya ngayon dito sa Pilipinas at naisipan kong dito na muna siya patuluyin. Hindi ko naman alam na kwarto mo pala ito, iha.
Cassidy: At sino ang nagbigay sa iyo ng pahintulot para gawin mo yon?
Lewis: Ako, Dyan Cassidy.


Cassidy: (isip) Galit na si Papa. Tinatawag niya ang aking buong pangalan pag galit na galit na talga siya.


Cassidy: Nawala lang ako ng ilang araw, naging bahay-ampunan na pala ang tahanan na to. Lilipat na lang ako sa ibang kuwarto. Total, lahat naman ay nagbago na sa bahay na ito. At kailanman, hindi na mababalik ang dating takbo ng buhay ko.


Lumabas na ng kwarto si Cassidy.


Ingrid: Kung gusto mo, anak, tutulungan na kitang pumili at maglipat ng gamit mo sa bago mong kwarto. Meron akong nakitang mas malaki pa sa dati mong silid.
Cassidy: Huwag mo nga akong pagsabihan kung ano ang gusto ko.







































Cassidy: Bakit, ikaw ba ang Mama ko?